Tinalakay kahapon ng Committee on Metro Manila Development sa Kamara sa isang online hearing ang liham ng reklamo ng mga samahan ng nasa sektor ng transportasyon sa umano’y hindi makatarungang paniningil ng mataas na halaga, na ipinapataw ng SM sa kanilang transport terminals sa Kalakhang Maynila.
Sinabi ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez, chairman ng komite na noong ika-15 ng Marso 2021, natanggap nila ang isang liham ng reklamo mula sa mga samahan ng nasa transportasyon hinggil sa mga bagong patakaran at kundisyon na ipinatutupad ng bagong tagapamahala ng SM transport terminals na Park Solutions Inc., o PSI.
Ayon sa mga transport groups, ani Lopez, sinisingil umano sila ng napakataas na halaga ng PSI sa pamamagitan ng pagpapairal ng buwanang kabayaran sa akreditasyon, arawang kabayaran sa paglabas-pasok sa mga terminal, kabilang na ang bayad sa QR codes, at iba pa at ito ay mas mataas pa kesa sa dating sinisingil ng dating operator, na nagdulot umano sa kanila ng ibayong pagkalugi.
Batay sa utos ng Komite, sinabi ni Lopez na ang PSI ay nagsumite ng kanilang mga sagot sa paratang na may petsang ika-30 ng Hunyo 2021, at
Subalit, dagdag pa ni Lopez, pinabubulaanan naman ng PSI ang mga nakasaad sa liham na reklamo, batay sa kanilang sagot noong ika-30 ng Hunyo.
Matapos na mapakinggan ng Komite ang mga pahayag ng magkabilang panig, napagkasunduan na kanilang pananatiliin ang status quo, hanggang ika-28 ng Hulyo 2021, kung saan ay muling magpupulong ang Komite upang talakayin ang usapin sa ikalawang pagkakataon.
Aniya, pinupunto ng PSI na ang bagong halaga na kanilang sinisingil ay makatuwiran, at anila ay kinakailangan lamang upang maayos na mamantine at mapaunlad ang pamamahala ng SM public transport terminals.
Ayon kay Lopez, ang usapin ay isang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng transport groups at ng PSI, at kung hindi mapagkakasundo ay maaaring makaapekto ito sa mga pasahero at maiipit sa sigalot sa pagitan ng magkabilang panig.
Aniya, ang layunin ng pagdinig ay humanap ng solusyon upang maiayos ang anumang sigalot sa pamamagitan ng resolusyon o pagpapatupad ng isang batas kung kinakailangan, upang mapagkasundo ang mga di-pagkakaunawaan, pagtugmain ang interes ng mga nagsusulong, at lalo na para sa kaginhawahan ng mga pasahero at mamamayan.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV