Thursday, July 22, 2021

-MGA NATAMONG TAGUMPAY SA LEHISLASYON NG PANGULO, PINARANGALAN NG KAMARA SA PAMAMAGITAN NG TRIBUTE VIDEO

Bago pa idaos ang pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, inilunsad kahapon ng Kamara de Representantes sa opisyal na Facebook Page ang isang omnibus video, na nagtatampok ng mga tagumpay na lehislasyon at di-pangkaraniwang programa sa loob ng nakaraang limang taon.

Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na siya at ang kanyang mga kapwa mambabatas sa Kapulungan ay taas noong ipinagmamalaki ang pagiging kaakibat ni Pangulong Duterte, sa kanyang pagsisikap na pasimulan ang tunay na pagbabago sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.


(“President Duterte really did his best to uplift the lives of the Filipino people, by prioritizing legislative measures and initiating concrete actions that directly benefit our countrymen,” ani Velasco.


“This video highlights all of those legacy bills and projects, and the people need to be informed of these accomplishments,” dagdag pa ni Speaker.)


Ang omnibus video na pinamagatang, “Kung Duterte, Posible,” ay nagtatampok sa Pangulo sa kanyang paglagda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ang batas na nagbibigay ng libreng tuition sa mga mag-aaral mula sa 112 state universities at colleges sa buong kapuluan.


Itinampok din sa naturang video ang pamamahagi ng administrasyong Duterte ng ayudang pinansyal sa mga mahihirap, ngunit karapat-dapat na mag-aaral mula sa mga mahihirap na pamilya, katutubong komunidad, at mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng United Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST, at iba pang mga lehislasyon.






Itinatampok rin sa video ang mga sumusunod: ang pagtatatag ng Malasakit Centers na kung saan ay epektibong makaka akses ang mga mahihirap na pasyente ng pinasyal at medikal na ayuda mula sa mga ahensya ng pamahalaan; ang Universal Health Care Act na naggagarantiya ng pantay na akses sa kalidad at abot kayang serbisyo sa kalusugan para sa lahat ng Pilipino; ang pansamantalang pagsasara ng Boracay sa loob ng anim na buwan bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na ayusin at muling paunlarin ang naturang resort island; ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drigs Act of 2002, upang masugpo ang pamamayagpag ng iligal na droga sa bansa; ang COVID-19 Vaccination Program Act; ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act; ang Murang Kuryente Act; ang flagship na Build, Build, Build infrastructure program; at iba pa.


Nilalaman ng omnibus video ang tatlong linggong kampanya na pinasimulan ng Kapulungan bago ang huling SONA ng Pangulo na itinakda sa ika-26 ng Hulyo.


Noong ika-5 ng Hulyo, inilunsad ng Kapulungan ang serye ng isa’t kalahating video na inihanda ng mahigit sa 200 mambabatas mula sa iba’t ibang distrito ng bansa, at mga nasa partylist sa kampanyang tinawag na “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo!” (isang Pre-SONA Tribute ng ika-18 Kongreso). Itinampok sa mga naturang video ang mga pangunahing programa, proyekto at mga polisiya na ipinatutupad sa iba’t ibang distritong lehislatura at mga sektor pangkaunlaran sa buong kapuluan, simula nang maupo si Pangulong Duterte bilang Presidente ng bansa noong 2016.


Ang microsite ng opisyal na House webpage, congress.gov.ph/sona2021, ay inilunsad rin bilang imbakan ng lahat ng tribute video at may kaugnayang datos hinggil sa SONA. Naglalaman din ito ng mga nagawa ng Kapulungan, at mga piling talumpati ng mga mambabatas na nilimbag sa isang aklat na may titulong “In the Name of the People.”


“President Duterte was able to accomplish so many things, including signing into law landmark legislation that we never thought would be possible, as well as high impact programs and critical reforms aimed at improving the quality of life of Filipinos,” ani Velasco.


Idinagdag niya na: “All presidencies have their share of critics, but it would be a shame if we overlook PRRD’s meaningful contributions to the country during his term. These videos are meant to remind us of all of those major accomplishments.” #


congress.gov.ph/sona2021