Friday, July 09, 2021

-DISKUSYON HINGGIL SA PANUKALANG MAGPAPAHINTULOT NA GAMITIN ANG MGA MOTORSIKLO BILANG PUVs, IPINAGPATULOY

Idinaos kahapon ng Committee on Transportasyon sa Kamara ang ikalawang pagdinig hinggil sa substitute bill sa 19 na panukala na naglalayong payagan at isailalim sa regulasyon ang paggamit ng mga motorsiklo bilang Public Utility Vehicles (PUVs).


Ang technical working group o TWG na pinamunuan ni Navotas City Rep. John Reynald Tiangco, ay nagsagawa ng pagtalakay sa mga rekomendasyon at mungkahi ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at mga nagsusulong sa substitute bill.


Hinimok ni Undersecretary Ricojudge Echiverri ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang TWG, na tingnan ang mga usapin tulad ng: 1) Paglalaan ng nakalaang puwang sa kalsada para sa mga motorsiklong taksi; 2) Pagbubuo at/o pagpapairal ng mga alituntunin para sa kaligtasan ng mga sumasakay na pasahero; 3) Pagdidisimpekta ng mga safety gears; at 4) Kilometro at maximum na oras ng paglalakbay para sa bawat driver.


Muling magdaraos ang TWG ng isa pang pagpupulong, upang talakayin ang mga position papers ng iba pang mga kinauukulang ahensya at mga nagsusulong sa panukala.





Upang matiyak ang ganap na maayos sa pagmamaneho, kailangang magtakda ng maximum na pinahihintulutang oras sa kanilang pagkakalagay.


Iminungkahi ni Assistant Secretary Edgar Galvante ng Land Transportation Office (LTO) ang mga rekomendasyon na awtomatikong isama ang kanilang ahensya sa patatakda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga ilalatag na pamantayan at mga ispesipikasyon ng mga motorsiklo.


Tinalakay din ng Komite ang usapin sa pagtatakda sa kapasidad ng pagdadala, maximum na bilis ng mga motorsiklong taksi, kabilang na ang pagtatalaga ng mga motorsiklo kaugnay sa paghahatid ng mga pasahero o paghahatid ng mga bagahe.


Muling magdaraos ang TWG ng isa pang pagpupulong, upang talakayin ang mga position papers ng iba pang mga kinauukulang ahensya at mga nagsusulong sa panukala.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV