Inilunsad kahapon ng Kamara ang isang dedikado o dedicated website na magbabahagi ng mga berepikadong impormasyon hinggil sa darating ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco, ang bagong website ay maglalaman hindi lamang ng mga pinakahuling balita at kaganapan hinggil sa ika anim at huling SONA ng Pangulo, kundi maging ang mga tagumpay na pagsasabatas o lehislasyon ng administrasyong Duterte.
Ang microsite ng opisyal na webpage ng House of Representatives na congress.gov.ph/sona2021 ay magsisilbing imbakan ng mga may kaugnayang datos patungkol sa magiging pahayag ni Pangulong Duterte na itinakda sa ika-26 ng Hulyo.
Sa mga susunod na araw, ang website ay maglalaman ng Legislative Performance Report ng Kapulungan, at mga piling talumpati mula sa mga mambabatas ng ika-18 Kongreso na pinagsama sa isang aklat na may titulong “In the Name of the People.”
Ang platform sa online ay maglalaman din ng mga isa’t kalahating minutong video na inihanda ng bawat isa sa mahigit na 200 distrito, at mga kinatawan ng partylist na sumapi sa kampanya na tinawag na “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo!” (A Pre-SONA tribute by the 18th Congress).
Ang kampanya ay pinangunahan ni Speaker, na naglunsad noong ika-5 ng Hulyo ng opisyal na Facebook page ng Kapulungan – na nagtatampok ng mga pangunahing programa, proyekto at mga ipinaiiral na polisiya sa iba’t ibang distrito ng lehislatura, at ang kaunlaran ng mga sektor sa buong bansa, simula nang maupo si Pangulong Duterte bilang Presidente noong 2016.
“President Duterte deserves gratitude of all Filipinos for the many good things he has done for the country, including the string of landmark legislation the we never thought would be possible, as well as high impact programs and critical reforms aimed at improving the quality of life of Filipinos,” ani Velasco.
Bingigyang diin ng pinuno ng Kapulungan na sa panahon ng termino ni Pangulong Duterte na ang mga batas sa universal health care, free tertiary education, expanded maternity leave, at free public internet access, kabilang ang iba pang mahahalagang panukala ang naipasa.
“At the height of the pandemic, Congress and the Executive worked together to produce pieces of legislation designed to help address and cushion the socioeconomic impact of the ongoing public health crisis, such as the Bayanihan laws, General Appropriations Act of 2021, and the COVID-19 Vaccination Program Act,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ng Speaker na sa ilalim ng administrasyon ito na ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act – isang matagal nang nabinbing lehislasyon, na naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga mahihirap na magsasaka ng niyog at ang kanlinag mga benepisaryo – ang naisabatas.
“I look at the President’s term as a whole, and he has definitely done a lot for this country in those years that he’s the leader of our nation,” ani Velasco. #