Inu-obliga ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bayaran ang utang nito sa mga service contractors na nagbibigay ng libreng sakay sa publiko.
Sinabi ni Salceda na umaabot sa P4.6 bilyon ang utang na dapat bayaran sa mga bus at jeepney operator na kasali sa transport service contracting program ng gobyerno.
Ang programa ay nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), na mage-expire sa Hunyo 30.
Sa isang briefing noong Hunyo 17, sinabi ng LTFRB na P1 bilyon pa lamang sa P5.5 bilyong pondo na nakalaan sa programa ang naibayad na sa mga service contractor.
(Iginiit din ni Salceda ang pagkakaroon ng ligtas at maaasahang masasakyan nang hindi nalalabag ang mga COVID-19 health protocols.)
Dahi dito, nagbabala rin si Salceda sa inaasahang komplikasyon na magreresulta kapag nag-expire na ang Bayanihan 2.