Nag-adjourn noong a-dos ng Hunyo 2021 ang Ikalawang Regular na Sesyon ng Ika-18 Kongreso ng Kamara de Representantes na pinamumunuan ni Speaker Lord Allan Velasco, hatid ang pangkalahatang tagumpay dahil sa mga ipinasang mga mahahalagang panukala na mag-aahon sa sambayanang Pilipino sa kahirapan mula sa pananalasang idinulot ng pandemya ng COVID-19.
Muling babalik ang mga mambabatas sa Batasang Pambansa sa ika-26 ng Hulyo sa pagbubukas ng Ikatlong Regular na Sesyon at sa pang-huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag si Velasco ng pag-asa na ang mga reporma at panukalang isinulong at isinabatas ng 18th Congress ay lubos na nakapaghatid ng seguridad lalo na sa kalusugan at kapakanan ng samabayan at sa pagpapabilis ng pag-ahon ng bansa mula sa lugmok na ekonomiya.
Ani ni Velasco, sa kapakanan ng sambayanan na parating nasa sa kanilang isipan hindi naging balakid ang kasalukuyang krisis pangkalusugan upang gampanan nila ang kanilang mga tungkulin.