Monday, June 07, 2021

-PAGTATAAS NG SOCIAL PENSION SA MGA SENIOR CITIZEN, LUSOT NA SA KAMARA

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara de Reprentantes ang panukalang batas na magtataas sa “social pension” ng mga senior citizens sa bansa lalo na ang mga mahihirap.


Ang ipinasang HB09459 ay may layuning amyendahan ang Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.


Sinabi ni Senior Citizens patrylist Rep. Rodolfo Ordanes, napapanahon ang naturang panukala lalo’t maraming nakatatanda ang apektado ng COVID-19 pandemic at nangangailangan ng dagdag na tulong.


Sa ilalim ng panukala, dodoblehin ang kasalukuyang P500 na buwanang nakukuha ng mga senior citizens.


Ang mga benepisyaryong nakatatanda ay pagkakalooban ng P1,000 na buwanang pinansyal na ayuda upang maipambili ng kanilang pangangailangan gaya ng mga pagkain o gamot at iba pang medical needs.