Thursday, June 24, 2021

-MGA PRESIDENTIABLES, DAPAT MAGKIISA SA PAGGAWA NG FIVE YEAR ECONOMIC PLAN — CAYETANO

Hinikayat ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga presidentable sa susunod na taon na makiisa sa paggawa ng five-year economic plan ng bansa.


Sinabi ni Cayetano na sa five-year plan, inaalok niya ang lahat ng mga presidentiable, [at] lahat ng eksperto sa tourism, sa finance, sa transportation, [at] sa agriculture to join us in forming a five-year plan.


Ayon sa kanya, tinitingnan nila ang posibilidad na isang “neutral” at non-partisan na opisyal o lider sa gobyerno ang mamuno para sa pagbuo ng nasabing post-pandemic plan.


Dahil dito, umaasa ang dating Speaker ng Kamara na maka-hikayat sila ng isang retired Supreme Court Justice o isang ekonomista na kilalang academician o kaya si Secretary Karl Chua ng NEDA mismo, isang non-partisan at matalinong-tao, kasama niyang palagi ang economic team ng pamahalaan ever since.