Thursday, June 17, 2021

-MGA PANUKALANG MAGBIBIGAY NG SUPORTANG PINANSYAL SA MGA MAY KAPANSANAN, APRUBADO NA SA KAMARA

Inaprubahan kahapon ng Special Committee on Persons with Disabilities sa Kamara, na pinamunuan ni Negros Occidental Rep. Ma. Lourdes Arroyo, ang House Bill 7180, na naglalaan para sa taunang P750 na emergency grant sa mga taong may kapansanan sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19.


Kinilala ni Arroyo, tagapagtaguyod ng panukala, ang mga hadlang na nararanasan ng kanyang mga kapwa PWD o persons with disabilities, na lalong pinalala ng pandemya.


Inaprubahan din ng Komite ang HB 9243, na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga PWD. 


Aamyendahan nito ang Republic Act 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons.


Kapag ito ay naisabatas, ang mga PWD ay bibigyan ng P500 na buwanang sahod upang madagdagan ang kanilang pangtustos sa gastusin sa pang-araw-araw at matugunan ang kanilang mga medikal na pangangailangan.