Friday, June 18, 2021

-KAHANDAAN NG COMELEC SA DARATING NA 2022 HALALAN, SINURI NG KAMARA

Bilang bahagi ng pagsisikap na makapagbahagi sa isang matapat, maayos at ligtas na pagdaraos ng lokal at pambansang halalan sa ika-9 ng Mayo 2022, sa gitna ng pandemya ng Covid-19, pinagtibay kahapon ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa Kamara, na pinamunuan ni Negros Occidental Rep. Juliet Ferrer, ang dalawang resolusyon na humihimok sa Commission on Elections, na isaayos ang lahat ng kinakailangang pag-iingat sa kalusugan at mga paghahanda para sa nakatakdang halalan.

Ang dalawang resolusyon, HR 1583 ni Batangas Rep. Mario Vittorio MariƱo at HR 1796 ng Minority bloc na pinangunahan ni Minority Leader Joseph Caraps Paduano, ay nanawagan para suriin ang mga posibleng panganib at pag-aaral ng mga hakbang sa kaligtasan para sa kalusugan, mga pamamaraan, at mga protocol na ipatutupad, bilang paghahanda sa 2022 na pampanguluhan, pambansa, at lokal na halalan; at ang resolusyong humihimok sa COMELEC na magtatag ng mga karagdagang satellite registration centers upang pagbigyan ang mas maraming nasasakupan na nais magparehistro bilang botante.


Hiniling ng mga mambabatas na isumite ng Comelec sa Komite ang kanilang Consolidated Plan para sa 2022 elections bago nila ito aprubahan.