Umaasa si dating Speaker Alan Peter Cayetano na ang magiging mainit na usapin sa paparating na halalan ang economic recovery ng bansa.
Sinabi ni Cayetano na titingnan ng mga botante ang panukala ng bawat kandidato pagdating sa economic recovery at para sa pagpapatibay ng sistemang pangkalusugan.
Ayon sa kanya, ang single largest factor sa 2022 ay yung mga solusyon sa mga problema na dinala ng COVID-19.
Idinagadag pa niya na nakikita umano niya na may plano sa medical side: sa pagbakuna, sa pag contact tracing, sa isolation, sa pagpapalaki ng kapasidad ng mga ospital, ngunit doon sa economic side, kung ano daw yung galing natin before COVID-19, sana ganun din ngayon, kasi kumpara sa ibang mga bansa, naiiwanan na tayo sa economic stimulus.
Dahil dito, ipinanukala ni Cayetano na magkaisa ang mga nagbabalak tumakbo sa pagkapangulo sa paparating na halalan at makipag-ugnayan sa mga eksperto sa pagbuo ng isang five-year COVID-19 economic recovery plan.