Hinikayat ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga benepisyaryo at mga tagasuporta ng Sampung Libong Pag-asa na patuloy na manawagan sa gobyerno na mamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.
Sinabi ni Cayetano na ang gobyerno ay kailangan kalampagin, kasi kanya-kanyang pananaw ‘yan. Ngunit mapapatunayan daw nila na may pera at kaya itong ibigay.
Ani Cayetano, tulungan niyo rin kami, pero kami matigas ulo namin. Kapag tingin namin tama kami ay tuloy-tuloy ito. Kaya lang, para lahat mabigyan, kailangan gobyerno talaga ang mangunguna.
Nagpunta sina Cayetano at mga kaalyado niya sa probinsya ng Batangas para sa programang Sampung Libong Pag-asa, kung saan namahagi sila ng P10,000 ayuda bawat isa sa 625 benepisyaryo mula sa Batangas at iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dahil dito ay umabot na sa 3,096 na ang bilang ng benepisyaryo ng Sampung Libong Pag-asa mula nang inilunsad ito noong Mayo.