Tuesday, June 01, 2021

-BIKE LANES SA IBA’T IBANG LUGAR SA BANSA, TINATAPOS NA — DOTr

Tinatapos na ang konstruksyon ng mga protected bike lanes sa iba’t ibang lugar sa bansa ng Department of Transportation o DOTr, isa sa mga proyekto sa ilalim ng Bayanihan 2.

Ito ang paniniyak sa pahayag ng DOTr sa pagdinig ng House Committee on Transportation sa pamumuno ni Rep. Edgar Mary Sarmiento, matapos hiningan ito ng update hinggil sa bike lane networks project, na pinaiimbestigahan sa Kamara dahil sa matagal na paggawa nito.


Sinabi ni Transportation Asec. Steve Pastor, nasa 540 kilometers ang proyekto na hinati sa National Capital Region o NCR, Metro Cebu at Metro Davao. At sa pinaka-huling update noong May 27, nasa 65.13% na ang overall accomplishment dito.


Sa NCR, ani Pastor, aabot sa 340 kilometers ang bike lane project na target na matapos sa katapusan ng buwan ng Hunyo.


Ang bike lane project naman sa Cebu ay halos 138 kilometers, habang halos 60 kilometers sa Davao na kapwa inaasahang matatapos sa June 15, ayon kay Pastor.


Sinabi ng opisyal na nasa higit P1 billion ang pondo para sa bike lane networks project, sa ilalim ng Bayanihan 2.