Muling nanawagan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa 18th Congress na aprubahan na ang panukalang batas na bubuo sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipino (DMWOF).
Ayon kay Cayetano, panahon na para ipagkaloob ito sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na binabansagan pa man din ng gobyerno bilang "bagong bayani" ng bansa.
Si Cayetano ay isa sa mga pangunahing may-akda ng panukalang Department of Filipinos Overseas (DFO) Act na naglalayong bumuo ng isang departamento para lamang sa OFWs.
Naaprubahan ito noong Marso 2020 sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano bilang Speaker, habang ang katumbas na panukalang batas naman nito sa Senado ay nakabinbin pa rin.