Wednesday, May 19, 2021

-SESYON TUWING HUWEBES NG KAMARA PARA TAPUSIN ANG IILANG PRIORITY MEASURES, IMUMUNGKAHI

Imumungkahi ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa liderato ng Kamara de Representantes na magsagawa na rin ng sesyon ang Kongreso hanggang Huwebes. 


Sinabi ni Rodriguez na iri-rekomenda niya ang dagdag na isang araw sa linguhang sesyon para makagawa na sila ng kagyat na resolusyon at tuluyang maipatupad na ito.


Ayon sa kanya, masyadong maikli ang tatlong araw sa isang linggo na sesyon lalo pa at 3 linggo o 9 na session days na lamang ang natitira sa second regular session ng 18th Congress. 


Marami pa aniya ang priority measures na dapat pagtibayin ang Kapulungan tulad ng Bayanihan 3 at economic charter change bukod pa ito sa iba pang mga panukala na nakalinya ring aprubahan sa Kamara de Representantes.






Sakali aniya ay may tatlong dagdag na mga araw ng Huwebes na maaaring magsagawa  ng sesyon para matiyak na lahat ng mga mahahalagang panukala lalo na ang mga COVID-19 related measure ay maaaprubahan bago ang sine die adjournment sa June 5. 


Handa rin si Rodriguez na makipagpuyatan sa sesyon matapos lamang ang trabaho ng Kamara. 


Hinimok rin ng kongresista ang mga kasamahan na itodo na ang sesyon dahil kung tutuusin ay hindi kinakailangan ang physical presence ng mga mambabatas.