Pinapurihan ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena NiƱa Taduran ang media sa matapang nitong pagbibigay ng impormasyon sa publiko sa gitna ng pandemya ngayong nagdiriwang ang mundo ng Press Freedom Day.
Ayon kay Taduran, hindi tumigil ang mga mamamahayag sa pagkalap ng istorya at paghahayag nito sa iba’t ibang plataporma kahit na mapanganib ang kanilang kinakaharap dahil sa impeksyon ng Covid-19.
Sinabi ni Taduran na ang ilang mamamahayag ay naharap pa sa dagdag na hamon ng bawas sa sweldo, mahabang oras ng trabaho at kawalan ng benepisyong makakaprotekta sa kalusugan, subalit nagpapatuloy pa rin sila sa pagsisilbi sa publiko.
Ipinaalala ng mambabatas sa lahat ng mamamahayag na patuloy na maging responsable sa pag-uulat ng totoo at makatarungan.