Thursday, May 27, 2021

-PENSIYON NG MGA MILITARY AND UNIFORMED PERSONNEL, SISIYASATIN NG AD HOC COMMITTEE SA KAMARA

Bumuo ang Kamara de Representantes ng “ad hoc committee” para sa usaping pensyon ng military and uniformed personnel o MUP.


Inanunsyo sa plenaryo ng Kapulungan ang pagkakatalaga kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda bilang chairman o pinuno ng ad hoc committee at kay Appropriations Panel chair Eric Go Yap bilang vice chairman naman


Ninombrahan din bilang mga miyembro nito sina Deputy Speaker Isidro Ungab, Committee on National Defense and Security chairman at Ilo-Ilo Rep. Raul Tupas, Committee on Government Enterprises and Priviatization chairman at Paranaque Rep. Eric Olivarez, Committee on Public Order and Safety chairman at Masbate Rep. Narciso Bravo at Marikina Rep. Stella Quimbo.


Nauna nang inihain ni Salceda ang House Bill 9271 upang ayusin ang pension system para sa mga MUP.


Ayon kay Salceda, nagbabadya ang krisis sa sistema ng naturang pensyon ng mga MUP at iba pang nasa unipormadong serbisyo kung hindi magkakaroon ng agarang reporma.


Sinabi pa ni Salceda na sa kasalukuyan, mayroong P9.6 trillion na “unfunded reserve deficit” ang MUP dahil sa wala umanong maayos na sistema nito.