Pasado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang batas na magpapalakas sa mga field offices ng Commission on Elections o Comelec.
Sa vitual hearing ng komite na pinamumunan ni Rep. Juliet Marie Ferrer, mabilis na inaprubahan ang panukala na magpapalakas sa mga field office ng Comelec sa pamamagitan ng pag-upgrade at pagbuo ng iba’t ibang posisyon at pagtataas ng sweldo at benepisyo ng mga kawani sa pamamagitan ng pag-amyenda sa section 53 ng Omnibus Election Code.
Malugod namang tinanggap ng Comelec, partikular na ng mga empleyado at miyembro ng Comelec Employees Union na ayon sa kanila, ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga field office at mga empleyado ng Comelec na lalong pagbutihin ang trabaho at pagseserbisyo para sa nakatakdang 2022 national and local elections.
Sa sandaling maging ganap na batas ang panukalang ito ay maraming empleyado ng Comelec ang makikinabang, lalo na’t kung madagdagan ang sweldong nakukuha ng mga kawani ng poll body na naapektuhan din ng COVID-19 pandemic.
Aabot sa 5,000 ang bilang ng field offices ng Comelec sa buong Pilipinas.