Inirekomenda ni Marikina Rep. Stella Quimbo na buksan na ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagapruba sa economic charter change.
Ang mungkahi ng kongresista ay kasunod ng 4.2% na pagsadsad ng ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2021 kung saan bumagsak din sa 18.3% ang gross capital formation.
Hinihikayat ni Quimbo ang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso na ipasa na ang economic cha-cha para sa pagbubukas ng ekonomiya upang makapasok na ang mga bagong investments sa bansa.
Paliwanag ni Quimbo, ang tuluyang pagpapatibay sa panukala na nagaalis sa economic restrictions ng Konstitusyon ay magiging daan para sa pagdaloy ng mas maraming foreign capital at paraan para mas mahimok na mamuhunan ang iba't ibang sektor.
Hiniling din ng mambabatas sa Kamara ang agad na pagapruba rin sa Bayanihan 3 sa muling pagbubukas ng sesyon sa May 17.