Friday, May 07, 2021

-PAG-AALIS NG INTELLECTUAL PROPERTY PROTECTION SA POLISIYA NG ESTADOS UNIDOS, SUPORTADO NI ML ROMUALDEZ

Sinusuportahan ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang plano ng gobyerno ng Estados Unidos na alisin ang intellectual property protection ng mga bakuna laban sa COVID-19.


Sinabi ni Romualdez na nangangahulugan ang pagtanggal sa patent ng mas maraming drug manufacturer ang makagagawa ng bakuna laban sa nakamamatay na COVID-19 kaya mas mabilis na matutugunan ang problemang naglimita sa galaw ng tao.


Ayon sa kanya, dapat umanong bantayan ng mga opisyal ng gobyerno ang mga kaganapan sa pahayag ng Estados Unidos at makilahok sa mga usapan kung kinakailangan.


Kung mabibigyan ang Pilipinas ng patent, mas mabilis umanong makatatanggap ng bakuna ang mas maraming Pilipino kaya dapat itong paghandaan.


Idinagsag pa ng mambabatas na ipinakita rin ng pandemya ang kahalagahan na mapondohan ang research and development ng bansa lalo at hindi naman nahuhuli ang talino ng mga Pilipino pagdating sa pagtuklas ng mga bagay na makatutulong sa pag-unlad ng tao.