Monday, May 10, 2021

-KAMPANYA NI PNP CHIEF ELEAZAR LABAN SA MGA HOODLUM AT TIWALING PULIS, SINUPORTAHAN NG ISANG DEPUTY SPEAKER SA KAMARA

Bagama’t suportado ni Deputy Speaker at Manila Rep. Benny Abante ang paka-hirang kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, hinamon niya ito na agad aksyunan ang mga insidente ng pagpatay at iba pang karahasang kinasasangkutan ng mga myembro ng Philippine National Police (PNP). 


Sinabi ni Deputy Speaker Abante na kanyang sinusupotahan ang kampanya ni Eleazar laban sa mga hoodlum o tiwaling mga pulis. 


Binigyang diin ng mambabatas na sa mga nakalipas na buwan ay nadadawit ang PNP sa mga insidente at nangangahulugan ito na kailangan na ng institusyon ng tapat, desidido at may 'sense' na liderato upang tuluyang masawata ang mga kahalintulad na trahedya. 


Umaasa si Abante na hindi lamang sa matapang na salita kundi pati na rin sa matapang na gawa ay isasakatuparan ni Eleazar ang kanyang mga sinabi. 


Kailangan na rin aniya ng reporma at seryosong mga hakbang para maitama ang mga mali at iligal na gawaing kinasasangkutan ng mga pulis.