Pinayuhan ni Ang Probinsyano PL Rep. Ronnie Ong ang Presidential Communications Operations Office o PCOO na doblehin pa ang mga ginagawa nito para sa COVID-19 information drive.
Ang pahayag ni Ong ay kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health o DOH na nakapasok na sa Pilipinas ang India variant ng COVID-19.
Ayon kay Ong, dapat na palakasin ng PCOO ang pagpapalaganap nito ng mga impormasyon ukol sa COVID-19 lalo’t ang virus ay nag-mutate na at sinasabing mas “contagious” o nakakahawa at mas nakamamatay.
Ani Ong, marapat ding i-maximize ng PCOO ang mga information dissemination assets nito gaya ng Philippine Information Agency, Philippine News Agency at Philippine Broadcasting Network, upang madagdagan ang kaalaman ng publiko sa masasamang epekto kapag binalewala ang virus.