Hindi sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.
Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapag-pamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.
Idinagdag pa ng dating Speaker na hindi limos ang hinihingi ng ating mga kababayan kundi tulong, dahil extraordinary ang kanilang problema kinakaharap.
Nitong Pebrero, inihinain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10k Ayuda Bill na naglalayong mabigyan ng tigsa-sampung libong pisong tulong-pinansyal ang bawat pamilyang Pilipino habang patuloy ang kawalan ng trabaho at kagutumang dulot ng pandemya.
Isinama ang panukalang batas sa bagong bersyon ng Bayanihan 3, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi isinali ang probisyon na P10,000 ayuda bawat pamilya.
Dahil dito, hinimok ngayon ni Cayetano ang publiko na manawagan sa mga mambabatas na suportahan ang mungkahi nilang mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilya.