Malugod na tinanggap ni Speaker Lord Allan Velasco ang bagong hirang na hepe ng Philippine National Police na si Lieutenant General Guillermo Eleazar, sa isang courtesy call sa Office of the Speaker sa Kamara de Representantes sa Quezon City kahapon.
Personal na binati ni Velasco si Eleazar sa kanyang karapat–dapat na pagkakahirang bilang ika-26 na hepe ng Pambansang Pulisya.
Nangako si Speaker Velasco ng patuloy na suporta sa PNP na may lakas na 220,000 at sa mga planong reporma ni Eleazar sa pulisya.
Ayon ka Velasco, palagiang bukas ang Kapulungan sa pakikipag-tulungan at pakikipag-ugnayan sa PNP, upang matiyak ang pagpasa ng mga mahahalagang lehislasyon na lubos na makakatulong sa kanila, para epektibong maipatupad ang kanilang mandato sa pangangalaga ng kapayapaan at kaayusan, kabilang na ang mas lalong pagpapabuti ng kalidad ng tungkulin na kanilang ibinibigay sa publiko.