Inaprubahan na kahapon sa isang online hearing ang Committee Report hinggil mga panukalang maggagawad ng amnestiya sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas / Revolutionary Proletarian Army / Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), at mga dating rebelde na kasanib ng Communist Terrorist Group (CTG), na nakagawa ng mga krimen na may kaakibat na kaparusahan sa ilalim ng Republic Act 3815 o Revised Penal code at mga espesyal na batas sa kanilang pagsusulong sa kanilang paniniwalang politikal.
Isinagawa ang hearing ng Committee on Justice, na pinamumunuan ni Leyte Rep. Vicente Veloso III, at ng Committee on National Defense and Security sa Kamara de Representantes sa ilalim naman ng pamumuno ni Iloilo Rep. Raul Tupas, batay sa mga panukala na inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco alinsunod sa Proclamation Nos. 1090, 1091, 1092 at 1093.
Ang pag-apruba ng panukala, ayon kay Veloso, ay isang kongkretong hakbang sa isang matatag na adyenda para sa kapayapaan.
Ang paggagawad ng amnestiya sa mga dating rebelde, ayon naman kay Tupas, ay isang mahalagang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan para sa isang komprehensibong usapan para sa kapayapaan.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV