Tuesday, April 27, 2021

-PANUKALANG HEALTH PROCUREMENT AND STOCKPILING BUREAU SA DOH, APRUBADO NA SA KAMARA

Inaprubahan kahapon sa isang online meeting ng Committee on Ways and Means sa Kamara de Representantes, sa pamumuno ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang magtatatag ng Health Procurement and Stockpiling Bureau sa ilalim ng Department of Health DOH.


Ang HB06995 na inihain ni Quezon Rep. Angelina Tan, Chairperson ng Committee on Health na layong magsusulong ng pag-iimbak ng mga mahahalagang gamot at medisina, bakuna, mga kagamitan, at materyales para sa pampublikong kagipitan sa kalusugan ang ipinasa nila.


Iminungkahi ng Komite na pahintulutan ang DOH na manghingi at tumanggap ng mga gawad, mana, kaloob, donasyon at kontribusyon, at malilibre ang mga ito sa donor’s tax.


Sinabi ni Tan na ang kahalagahan ng pagpasa ng panukalang ito ay hindi matatawaran dahil nakakaranas na tayo ng kakulangan sa gamot at bakuna sa kasalukuyan, at ang pagsasabatas ng panukalang ito ay tiyak na mangangahulugan na matutugunan nito ang naghihirap natin sa suplay ng mga gamot.