Umapela si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing monthly ang pagbibigay ng pensyon sa mga senior citizens.
Ayon kay Vargas , dapat gawing katulad sa "payroll" ang pensyon ng mga nakatatandada kasunod ng transition o paglilipat ng DSWD sa paggamit ng cash cards katuwang ang Landbank.
Dagdag pa ng mambabatas, ngayong online na ang distribusyon ng mga benepisyo makabubuting gawin na ring buwanan ang pagbibigay ng pensyon lalo na ngayong may pandemya at higit lalo na kailangan ng mga matatanda ng regular na tulong sa pamahalaan.
Sa ngayon ang mga kwalipikadong senior ay nakakatanggap ng P500 buwanang pensyon na ibinibigay kada anim na buwan sa halagang P3000.