Nagpahayag ng pagkabahala si Quezon City Rep. Anthony Peter "Onyx" D. Crisologo laban sa iilang mga opisyal na nagpapatupad ng documentary requirements sa mga grupo at indibidwal na nag-organisa ng community pantries.
Sinabi ni Crisologo na bukod sa ito ay pahirap at abala sa mga organizer, nakaka-discourage din ito sa mga nagnanais mag-put up ng kani-kanilang mga sariling community pantry.
Ayon sa kanya, sa halip na dagdagan ang pansin ng mga organizers ng community pantry sa pagkuha ng permit para maisagawa ang kanilang pamamaraan na tumulong ay dapat silang tulungan at suportahan para maipagpatuloy nila ang kanilang magandang hangarin na matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan nating mahihirap.
Samantala, hinikayat ng mambabatas ang publiko na suportahan ang mg community pantries at tulungan sila sa kanilang pamamaraang makapaggawad ng ayuda sa lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.