Thursday, April 15, 2021

-PAGPAPAUNLAD NG AGRIKULTURA SA MINDANAO, ISINUSULONG NG KOMITE

Tinalakay ng Committee on Mindanao Affairs sa Kamara kamakalawa ang mga paraan kung papaano mapapalakas at masusuportahan ang sektor ng agrikultura sa Mindanao, habang patuloy na nagdurusa mula sa pandemya.


Sinabi ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, Chairman ng Komite, na ang 2021 national budget, lalo na ang sa agrikultura ay naituon para sa Luzon, na naging dahilan upang ang ikalawang pinakamalaking isla sa bansa ay makatanggap lamang ng maliit na alokasyon.


Sinegundahan ito ni Agriculture Secretary William Dar, at inulit ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na tiyakin na ang mga pamuhunan ay patuloy na ibubuhos sa rehiyon ng Mindanao, upang maisulong ang katatagan at seguridad sa pagkain.


Nangako si Dar na pipilitin niyang makapag lobby ng karagdagang pondo para sa Mindanao, gayundin ang mga suporta sa pagtatatag ng mga mahahalagang imprastraktura, tulad ng farm-to-market roads at mga palengke sa mga lalawigan.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV