Thursday, April 29, 2021

-PAGBABAKUNA SA KAMARA, UUMPISAHAN NA SA A-10 NG MAYO

Uumpisahan na ng Kamara de Representantes ang COVID-19 vaccine rollout para sa mga kawani nito sa susunod na buwan.


Sa isang memorandum circular na nilagdaan ni House secretary general Mark Llandro Mendoza, ang mga empleyado na napabilang sa unang apat na grupo sa priority list ang babakunahan ng Sinovac vaccine umpisa sa Mayo 10.


Ang mga health worker sa Kongreso ang mauuna makatatanggap ng vaccine jabs na susundan naman ng mga senior citizen, persons with comorbidities at frontline personnel sa mga essential sector


Paparating pa lamang ang mga bakuna na manggagaling sa Quezon City government bilang order ng Kamara para sa Novavax vaccines, ayon sa isang insider sa kapulungan.


Novavax doses ang siyang gagamitin para sa mga nahuhuling House personnel at kanilang mga dependent.