Pinahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na bukas sila Kamara kung magpapatawag ng special session para sa agarang pagapruba sa P420 Billion stimulus package na Bayanihan 3.
Ito ay kasunod ng panghihimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag na ng special session para pagtibayin ang panibagong stimulus package na aayuda sa mga pamilya at mga negosyong apektado ng pandemya.
Sinabi ni Velasco na pangunahing may-akda ng Bayanihan 3, nakahanda anumang oras ang Mababang Kapulungan na magsagawa ng special session sakaling ito ay ipapatawag ni Pangulong Duterte.
Sa kasalukuyan, ang panukala ay inaaral pa ng Committees on Economic Affairs at Social Services ang Bayanihan 3.