Monday, April 26, 2021

-ISANG PART-LIST GROUP, NAG-DONATE NG DAGDAG PANG RT-PCR MACHINE SA BENGUET

Suportado ng ACT-CIS partylist group ang mga pangangailangan ng Benguet para labanan ang COVID kung kaya’t nag-donate na  naman ito ng high flow oxygen sa Benguet General Hospital kamakailan.


Noong nakaraang lingo ay muli na namang nag-turn over si Benguet Congressman Eric Yap, na siya ring kinatawan ng ACT-CIS Party-list, ng isa pang RT-PCR machine upang matugunan ang agarang pangangailangan ng pagamutan at masolusyunan ang kanilang backlogs sa COVID-19 testing.


Nabatid na ito na ang ikatlong machine na ipinagkaloob ng mambabatas simula nang mag-umpisa ang pandemya ng COVID-19 sa bansa noong nakaraang taon.


Una na siyang nagkaloob ng RT-PCR machine sa Baguio General Hospital dahil ang Molecular Laboratory sa Benguet ay isinasailalim pa sa konstruksiyon ng panahong iyon.


Ang ikalawang makina naman ay inilagay sa bagong tayong laboratoryo sa lalawigan, kasama ang isang Automated Extractor.


Ayon kay Yap, nagpapatupad sila ngayon ng agresibong testing upang mapalakas pa ang effort ng lalawigan na masugpo ang COVID-19.


Dagdag pa niya, hindi lamang ang Benguet ang magbebenepisyo rito kundi maging ang kanilang mga kalapit na lalawigan sa Northern Luzon.