Bumuo ang Committee on Public information sa online hearing ng isang technical working group (TWG) upang talakayin ang mga panukala hinggil sa Freedom of Information (FOI) at patungkol sa pagpapalakas sa mga karapatang konstitusyunal ng mga mamamayan sa pag-akses sa impormasyon.
Sinabi ni Cagayan Rep. Joseph Lara, chairman ng komite, na ang TWG ay pamumunuan ni KABAYAN Rep. Ron Salo, na siya namang Vice Chair ng Komite.
Noong Hulyo 2016 ay nilagdaaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 2, na inilalagay sa operasyon ng Executive Department ang constutional rights ng mga mamamayan sa mga impormasyon at mga polisiya ng estado sa ganap na pampublikong pagpapahayag at kahayagan sa serbisyo publiko.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Kristian Ablan, ang rekomendadong bersyon sa FOI ng Executive Department ay ang panukala na may mayroong tatlong mahahalagang tampok, na inaasahan nito na mapapabilang sa bagong batas tulad ng: “No Wrong Door Policy”; pagbuo ng independyenteng FOI Commission; at ang pagpapaunlad ng sistema sa pamamahala ng mga talaan ng pamahalaan.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV