Nakikita ni House Speaker Lord Allan Velasco ang lokal na industriya ng mga gumagawa ng gamot ang magpapalakas sa kakayahan ng bansa sa laban nito sa pandemyang dulot ng COVID-19 at nagsabing ang mga lokal na kompanya ay gumaganap ng mahalagang papel na matulungan ang paggawa at pamamahagi ng kinakailangang gamot upang masugpo at malunasan ang sakit sanhi ng COVID-19.
Dahil dito, nanawagan si Speaker Velasco sa Food and Drug Administration (FDA) na paghusayin ang pagiging episyente at maagap na proseso, lalo na ang may kaugnayan sa aplikasyon ng mga lokal na gumagawa ng gamot, para sa mga permiso ng Certified Product Registration (CPR) at Emergency Use Authorization (EUA).
Ayon sa kanya, naunawaan naman daw nila ang pangangailangan para sa isang masusing pag-aaral ng mga gamot at medisina, subalit kailangan umanong balansehin ito sa pamamagitan ng pagpapagaan sa mga pangangailangan ng mga lokal na gumagawa ng gamot, sa pag-aalis ng mga hadlang at mga red tape, at ang paulit-ulit na rekisitos.