Monday, April 12, 2021

-DISTRIBUSYON NG AYUDA NG MGA LGUs, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN SA KAMARA

Mahigpit na binabantayan ngayon ng ACT-CIS Partylist ang distribusyon ng ayuda ng mga local government units (LGUs) para sa mga apektado ng NCR Plus lockdown.


Sinabi ni ACT-CIS Rep. Eric Yap na marami daw ang nagte-text at tumatawag sa kanilang opisina hinggil sa kulang daw ang ibinibigay sa kanila na ayuda.


Ayon sa kanya sinabi da ni Panglong Rodrigo Roa Duterte na P1,000 bawat tao o P4,000 sa isang pamilya ngunit bakit may mga lugar daw na P1k lang ang inaabot sa isang pamilya?


Ani Cong. Yap, isang halimbawa ‘yung ale na nagsumbong sa “Tutok Erwin Tulfo” radio program from Bagong Barrio, Caloocan, P1,000 lang ang ibi­nigay sa kanya kahit pa dalawa ang kanyang anak na alam naman ng barangay daw.


Ayon sa mambabatas, nirerekord nila ang mga sumbong at tatawagan ang mga LGUs kung bakit kulang ang ibinigay na cash ayuda sa kanilang mga constituents.


Iniipon daw nila ang mga reklamo ngayon at kapag natapos itong ECQ (enhanced community qua-rantine) ay maaring magpapatawag sila ng imbestigasyon at kapag napatunayan na binubulsa nila ‘yung pera, makakasuhan daw sila sa Ombudsman.