Lusot na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang House Bill 8736 o ang panukala na magbibigay ng subsidya para sa mga umuupang informal Settler Families o (ISF) sa bansa.
Sa ilalim ng panukala isinusulong na mabigyan ang mga karapatdapat na mga (ISF) sa Metro Manila ng rental subsidy na nagkakahalaga ng P3,500.
Bukod sa mga ISF sa kalakhang Maynila ay pinabibigyan din ng rental subsidy sa ilalim ng panukala ang mga ISF na nakatira sa mga rehiyon.
Kapag naisabatas ito, aatasan nito ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Economic Development Authority (NEDA) na tukuyin kung magkano ang halaga ng ipamamahaging subsidiya sa mga ISF na nakatira sa mga probinsya.