Aprubado na sa 2nd reading Kamara ang “Mandatory Immunization Program Act,” na naglalayong repasuhin ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011.
Sa ilalim ng panukala, ipinasasama sa mandatory vaccination ang mga bakuna na pipigil sa mga sakit para sa Tuberculosis, Diphteria, Tetanus at Pertussis, Poliomyelitis, Measles, Mumps, Rubella o German Measles, Hepatitis-B, at iba pa.
Nakasaad din sa panukala na isama ang mandatory immunization services sa benefit package ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na dadaan muna sa pagsusuri na naaayon sa “Universal Health Care Act.”
Ang HB 8558 ay pangunahing iniakda nina House Deputy Speaker Strike Revilla at House Committee on Health chairperson Rep. Angelina Tan.