Isinusulong ngayon ni AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, sa Kamara ang isang resolusyon na layong imbestigahan ang paggamit ng pondo sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act.
Sinabi ni Garin, partikular na bubusiin ng House Resolution Number 1558 ang umanoy pagkabalam sa pag rerelease ng pondong inilaan para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa ngayon panahon ng pandemya.
Bilang miyembro ng bicameral conference committee sa Bayanihan 2, iginiit ni Garin na ang pagkaantala sa pag rerelease ng pondo ay maituturing na disservice sa sambayang Pilipino lalo pa at ang mga programa at proyektong nakapaloob sa Bayanihan 2 ay nakikitang solusyon ng Kongreso na makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya.
Matatandaan na batay sa ulat na inilabas ng Office of the President noong November 3, 2020 ay P76.2 billion pa lamang na pondo ang nairerelease mula P140 billion na appropriated funds .
Sa ngayon nasa mahigit 30 kongresista ang lumagda sa HR 1558 na humihimok sa House committee on public accounts na imbestigahan ang isyu in aid of legislation.