Nagkaroon ng mainit na debate si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa ibang kongresista sa plenaryo ng Kamara kahapon.
Ito'y matapos na kwestsyunin ni Defensor sa kanyang privilege speech ang liderato ng kamara kung anong aksyon ang gagawin sa isyu ng utang ng Lopez Group of Companies sa Development Bank of the Philippines o DBP.
Sa kanyang talumpati binanggit ng mambabatas na wala aniyang elegibility ang loans ng mga Lopez sa DBP batay sa naunang paguusap nila ng BSP at maging ang kakulangan ng mga dukomento.
Pero kinontra ito ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera at sinabihan si Defensor na sumunod sa Rules at hindi dapat ginagamit ang oras sa plenaryo para talakayin ang usapin sa Lopez loans dahil nakabinbin na ang isyu sa Committee on Good Government .
Kaugnay nito ay kinwestyon naman ni Deputy Speaker Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang pagbanggit ni Defensor ng collective privilege sa kanyang talumpati dahil very personal aniya ang atake nito sa ABS-CBN at sa mga lopez.
Dahil dito ay nagmosyon si Deputy Minority Leader at Quezon City Rep. Jose Christopher Belmonte na alisin sa records ng plenaryo ang mga statement ni Defensor sa paniniwalang na carried away lamang ito ng kanyang emosyon na agad namang kinatigan ni Deputy Majority Leader Sharky Palma.
Samantala, sa Feb. 17 ay ipagpapatuloy ng Comittee on Good goverment ng Kamara ang imbestisgasyon sa isyu ng umanoy pinaburang loans ng Lopez Group sa DBP na unang naungkat sa panahon ni Defensor bilang chairman ng komite.