Makabubuti para sa Pilipinas ang pagkapanalo ni US President Joseph Biden Jr. bilang ika-46 na pangulo ng Estados Unidos.
Ayon kina AKO BICOL Rep. Alfredo Garbin Jr at Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, ngayong si Biden na ang Pangulo ng Amerika ay umaasa silang huhusay ang foreign policy ng US para sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya .
Ito ay sa kadahilanang prayoridad anila sa agenda ni Biden ang environment, anti-corruption, kalakalan, agham, teknolohiya, at governance.
Samantala, naniniwala naman si Garbin na magkakaroon din ng mas malaking tsansa na makapagtrabaho sa Amerika ang maraming mga health professionals lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Hiling naman Fortun sana hindi lamang hanggang salita ang mga adbokasiya na ito ng adminstrasyon ni Biden kundi ang maihatid ang mga makabuluhan at kongrektong hakbang na makatutulong sa ibang mga bansa tulad ng Pilipinas.