Iginiit ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na hindi uubra ang pagsusulong ng Charter Change o Cha-cha ngayong panahon ng pandemya.
Ang reaksyon ay ginawa ni Defensor matapos magpahayag ng pagsusulong ng Cha-cha sina Senators Ronald dela Rosa at Francis Tolentino sa Mababang Kapulungan.
Nais kasi ng dalawang senador na amiyendahan ang democratic representation at economic provisions ng 1987 constitution.
Ayon kay Defensor, suportado niya ang hakbang ngunit nakikita daw niya na pahirapan ang pagpasa nito dahil sa hamong dala sa pamahalaan ng COVID-19 pandemic.
Tingin ni Defensor na magkakaroon ng impresyon ang mga mamamayan na insensitive sa paghihirap ng taumbayan ang kongreso at lalabas na arogante silang mga opisyal kung ipipiliit ang Cha-cha.
Diin ng kongresista, hindi Cha-cha ang solusyon sa epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa.
Matatandaang nais din ng liderato ng Kamara na isulong ang economic provisions sa kasalukuyang saligang batas lalo na ang foreign ownership sa lupa at mga negosyo sa bansa para makahihayat pa ng mas maraming investors.