Sa nalalapit na pagsapit ng Pasko, ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco, ay patuloy na tinutupad ang kanilang mandato na makapagpasa ng mga batas na tutugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Ipinasa kahapon (14 Dec) ng Kamara, sa huling pagbasa ang panukalang “Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act.” Sa nagkakaisang boto na 224 ng Kamara ay ipinasa ang House Bill 7951, na naglalayong protektahan ang mga pinaghirapang kita ng mga OFWs, na kanilang ipinadadala sa kanilang mga pamiyla, laban sa mga matataas na interes at labis labis na kabayaran na sinisingil ng mga pinansyal institusyon.
Sa ilalim ng panukala ay ipagbabawal ang lahat ng bangko at mga pinansyal institusyon na nag-aalok ng mga serbisyo sa mga OFWs sa pagpapadala ng pera, na magtataas ng kabayaran sa kanilang serbisyo nang walang paunang konsultasyon sa Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Overseas Employment Administration.
Limampung porsyento na diskwento sa kabayaran ng remittance ng OFWs ang minamandato ng panukalang batas, sa pagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya.
Inaprubahan din ng Komite sa huling pagbasa ang HB 8005 o ang “National Convergence Strategy for Sustainable Rural Development (NCS-SRD) Act; HB 7886 o ang “Stealing or Vandalizing of Government Road and Traffic Signs and Devices Act”; at HB 8065, na nagpapataw ng buwis sa mga aktibidad ng offsite betting sa mga lokal na lisensyadong sabong.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
#LAVanPilipinas