Binuo kahapon (dec 2) ng Committee on Transportation sa Kamara na pinamumunuan ni Committee Chair at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang technical working group (TWG) upang pag-isahin ang mga panukala na isasailalim sa regulasyon ang operasyon ng mga tricycle.
Sinabi ni Sarmiento na siya ay makikiusap sa 18th Congress na sana ay matapos na itong tricycle Magna Carta at lahat ng mga usapin sa tricycles at dapat umano din nating aminin na napakahalaga ng tricycle sa buhay ng ating mga mamamayan..
Dapat din, aniya, unawain natin na may mga lugar na walang madadaanan kundi nag-iisa lang ang daan patungo sa isang lugar galing sa isang lokal na pamahalaan o barangay man.
Ang TWG na babalangkas sa mga panukala ay pamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr.
Gayundin, binuo rin ng Komite ang TWG na pamumunuan ni ParaƱaque City Rep. Eric Olivarez na babalangkas sa mga panukala hinggil sa katibayan ng parking para sa nagmamay-ari o magpapa-rehistro ng kanilang mga sasakyan.
Inaprubahan din ng Komnite ang mga panukalang naglalayong magtatag ng Land Transportation Office (LTO) district offices sa ilang lugar sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Negros Occidental.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
#LAVanPilipinas