Niratpikahan na ng Kamara de Representantes sa sesyon nito kahapon, sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco, ang bicameral conference committee report hinggil sa panukalang P4.506-trillion national budget para sa taong 2021.
Sinabi ni Speaker Velasco na ang bansang Pilpinas ay nasa mas maayos na kalagayan upang sugpuin ang COVID-19, at makabawi mula sa mapaminsalang epekto nito sa susunod na taon.
Ayon kay Velasco, ang nakatalang panukala ay isusumite na sa MalacaƱang sa susunod na linggo para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang ito ay maging ganap na na batas.
Idinagdag pa ng lider ng Kapulungan na ang pambansang badyet na ito ay sumasalamin sa seryosong pangako ng administrasyon ni Duterte para sugpuin ang COVID-19 at ibalik ang ekonomiya ng bansa sa tamang landas.