Sa pagdaos ng isang online hearing ng Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity sa Kamara na pinamumunuan ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu, tinalakay nito ang kalagayan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) – Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa implementasyon ng usapang pangkapayapaan.
Nagbigay ng paliwanag sa Komite ang Bangsamoro Transition Authority-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BTA-BARMM) sa kalagayan ng National Government-Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB).
Sa paliwanag ni Education Minister Mohagher Iqbal sa Komite, sinabi niya na pinagsisikapang ipatupad ng GRP at ng MILF ang pangkalahatang usapin sa pangkapayapaan lalo na ang proseso ng normalisasyon.
Ayon sa kanya, natagalan ang pagpapatupad ng lahat ng bahagi ng proseso ng normalisasyon dahil ang implementasyon ay nakabatay sa itinakdang patakaran ng dalawang panig.