Nagpahayag ng pangamba si Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor na baka mahuli sa bakuna ang mga Filipinong kabataan para labanan ang COVID-19 sa sudunod na taon.
Sinabi ni Defensor, Vice chairman ng House health committee, na posibleng mapag-iwanan ang mga batang may edad 18 pababa sa pagbabakuna kapag meron na nito ang Pilipinas dahil ang trial tests ng COVID-19 vaccines ay isasagawa sa 18ng taon pataas lamang.
Ito ay sa gitna ng mga patuloy na pagtuklas sa bakuna na ayon sa kongresista ay maaaring aprubahan na pang–emergency use ng adult population sa kalagitnaan ng 2021 ng mga drug regulators sa buong mundo.
Giit pa ng mambabatas, tiwala siyang magkakaroon ng maayos na trials dahil ang coverage naman aniya ay malawakan at para sa lahat na kakaiba aniya sa Dengvaxia vaccine.
Tinitiyak din ng kongresista na ang World Health Organization at ang mga kumpanya ng gamut kabilang ang FDA ay mahigpit na imo-monitor ang resulta at implementasyon nito.