Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP)-Highway Patrol Group (HPG) , Department of Transportation (DOtr) at Land Transportation Office (LTO) sa mga panukalang batas sa kamara na naglalayong magkaroon ng fair investigation at accountability kapag nagkaroon ng mga road accidents sa bansa.
Sa virtual deliberation ng House Committee on Transportation kaugnay sa Fair Road Crash Investigation and Accountability Act ipinahayag ni HPG Operations Management Division Chief Police Lt. Col. Oliver Tanseco na buo ang kanilang supporta sa nabanggit na mga panukala na inihain nina Batangas Rep. Mario Vittorio Mariño at Iligan City Rep. Frederick Siao .
Ayon kay Tanseco kung pagbabasehan ang datos ng WHO (World Health Organization) o WHO na 1.35 million deaths sanhi ng mga road crashes noong 2018 at ang naitalang 11,618 deaths ng (Philippine Statistics Authority) o PSA sanhi ng mga road accidents sa Pilipinas ay nangangahulugan aniya na mayroon 32 ang mga nasawi o isa kada 45 minuto ang namamatay sa bansa bunsod ng mga aksidente sa kalsada na ibig sabihin ay napapanhon narin aniya para amyendahan ng gobyerno ang naturang batas.
Sinabi pa ni Tanseco na suportado nila ang imbestigasyon na hindi lamang nakatuon sa drivers’ culpability kundi maging sa iba pang aspeto tulad ng motor vehicle’s roadworthiness, road condition ,pag responde ng emergency service at maging ang presensya o kawalan ng mga batas na sisiguro sa road safety.
Bagay na suportado rin nina Land Transportation Office chief Assistant Secretary Edgar Galvante, at DOTr Assistant Secretary Steve Pastor.
Nabatid na kasalukuyan ay nakatuon lamang ang batas sa drivers culpabality o pananagutan ng driver kapag mayroong aksidente sa kalsada itoy kahit pa may pagkakamali din ang biktima tulad ng pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak o droga at hindi pagtawid sa tamang tawiran.