Ipinagpatuloy ang imbestigasyon ng pinagsanib na Komite ng Public Accounts at Good Government and Public Accountability sa Kamara tungkol sa umanoĆ½ korapsyon at katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Inisa-isa ni Public Accounts Committee Chairman at AnaKalusugan Partylist Rep Michael Defensor ang mga naisiwalat na katiwalian sa PhilHealth tulad ng sobra-sobrang kabayaran sa ibat ibang institusyon at pamemeke sa mga kalagayan ng mga pasyente para lumaki ang bayad at mga ‘multong’ pasyente.
Dito isiniwalat ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada na 74 na kaso na ang naihain laban sa mga opisyales ng PhilHealth mula 2010 hanggang 2020 na kinabibilangan ng pagkakasangkot mismo sa katiwalian ng kanilang mga regional vice presidents
Idinagdag pa ni Lizada na 19 na resolusyon sa mga kaso ang nakabinbin pa hanggang ngayon sa CSC.
Samantala, pinasusumite ni Defensor sa CSC ang listahan ng mga kaso na isinampa laban sa mga opisyales ng PhilHealth na kanilang tatalakayin sa susunod na pagdinig na itinakda bukas, Huwebes.