Monday, September 14, 2020

-Mga ISPs, binalaan ng isang mambabatas

Nagbabala si ACT-CIS Partylist Representative NiƱa Taduran sa mga Internet Service Provider bunga ng dumaraming reklamo sa social media kaugnay ng mga ISP na pumapalya sa kanilang serbisyo. 


Sinabi ng Taduran na ang kabiguan nilang maibigay sa publiko ang tamang serbisyo ay maihahalintulad sa pandaraya at maling patalastas.


Ayon sa kanya, mahalaga ang connectivity lalo na ngayon na karamihan sa mga transaksiyon ay isinasagawa na sa internet kagaya ng mga klase sa school at tutorials at sa mga trabaho.


Nanawagan ang mambabatas sa 

National Telecommunications Commission (NTC) at sa mga Kagawaran ng Information and Communications Technology atTrade and Industry na aksyunan ang napakalaking kakulangang ito ng mga ISP sa pagbibigay ng disenteng serbisyo. 


Dapat isuplay ng mga provider ang nararapat na serbisyo ayon sa nakasaad sa kontrata at hindi yung naniningil sila ng mahal sa gumagapang na serbisyo at kung ang kaya nila lang ay 5 mbps, huwag nila singilin ng para sa 75 mbps ang subscribers nila. 


Ang Pilipinas ang may pinakamabilis na lumalaking populasyon ng gumagamit ng internet pero ito rin ang may pinakamalalang serbisyo sa internet.