Kinumpirma ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na nakalabas na sa bakuran ng House of Representatives si Philhealth Internal Legal Affairs Department Senior Manager Rogelio Pocallan.
Ayon kay Defensor, alas 8:06 ng umaga kahapon ng palayain si Atty. Pocallan mula mahigit tatlong araw na pagkakadetine sa loob ng Batasang Pambansa.
Magugunita na pinacontempt si Pocallan ni Cavite Rep Elpidio Barzaga Jr. matapos igiit nitong huli na ang Philhealth bilang isanf quasi judicial body ay otorisadong baliktarin ang isang judicial decision.
Nag-ugat ito nang baliin ng Philhealth ang desisyon nito na patawan ng 3-month suspension ang Our Lady of Perpetual Succor Hospital na pinagtibay ng Court of Appeals o CA sa halip ay nagpasa ang state insurance company ng memorandum para pagbayarin nalamang ng multa ang nasabing ospital sa halip na suspendehin.
Sa Philhealth hearing noong nakaraang linggo, nanindigan si Atty. Pocallan na legally justified ang hakbang Philhealth kahit na 'final and executory' ang desisyon ng CA sa suspension order laban sa Perpetual Succor.